^

Bansa

Kamara staff kakasuhan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng liderato ng Kamara na paparusahan at makakasuhan ang isang staff ng Mababang Kapulungan na nanutok ng baril sa isang pulis sa gitna ng traffic sa Quezon City.

Sinabi nina House Spea-ker Pantaleon Alvarez at  Majo­rity leader Rodolfo Fari­ñas, na bibigyan agad ng na­ra­rapat  na  aksyon at dadaan sa due process si Legislative Assistant II Bobby Villanueva.

Si Villanueva ay inaresto ng mga pulis matapos nitong tutukan ng baril si S/Insp. Rodolfo Madriaga sa gitna ng isang traffic altercation sa QC.

Nalaman din ng pulisya na hindi lisensyado ang dalang baril ni Villanueva.

Ayon naman kay House Sgt at Arms Roland Detabali na ang mga empleyado na pinapayagang magdala ng baril sa Batasan Complex ay iyong mga naka-assign sa security ng Kamara at mga naka-duty na security ni Alvarez at kung may permit  to carry outside the residence tulad ng mga security ng mga kongresista.

Kaya giit ni Detabali, sa­kaling mapatunayan ng Ma­babang Kapulungan na may ginawang paglabag si Villa­nueva ay tiyak na mahaharap ito sa parusa.

Si Villanueva ay inireklamo rin dati ng mga kasamahan sa media dahil sa muntik na niyang masagasaan ang isang reporter sa Kamara dahil sa mabilis niyang pagpapatakbo ng kanyang luxury car.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with