Tier 1 rank, nakuha ng Pinas
MANILA, Philippines - Dahil sa magandang rekord at pagsisikap ng pamahalaan na mapigil ang human trafficking sa bansa, muling nakuha ng Pilipinas ang rank na Tier 1 sa inilabas na Trafficking in Persons (TIP) Report of 2017 ng United States Department.
“The 2017 TIP Report validates the effectiveness of the Philippines’ wholistic and aggressive approach to eliminating human trafficking,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Noong nakalipas na taon, nakuha rin ng Pilipinas ang Tier 1 matapos na makasunod ito sa “minimum standards for the elimination of trafficking” na nakapaloob sa US Trafficking Victims Protection Act (TVPA)
Ginagraduhan ng US, base sa TIP Report mula isa hanggang tatlong tier ang isang bansa base sa naging performance nito sa paglaban sa human trafficking.
Binigyang kredito ng nasabing report ang pagkaka-convict sa may 42 traffickers kabilang na ang lima para sa online child sex trafficking at dalawa para sa labor trafficking, pagkakasentensya ng dalawang immigration officers at pagkaso sa limang opisyales na umano’y kasabwat sa trafficking, napataas ang pagsisikap ng Phl government na mapigil ang trafficking sa mga migranteng manggagawa, probisyon ng TIP training para sa mga opisyales ng pamahalaan; prosekusyon ng walong kaso laban sa child sex tourists.
- Latest