^

Bansa

Early voting sa seniors, PWDs lusot sa Kamara

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Early voting sa seniors, PWDs lusot sa Kamara

- Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala para sa early voting ng mga Senior Citizen at Persons with Disabilities (PWD) sa National at Local Elections. File

MANILA, Philippines - Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala para sa early voting ng mga Senior Citizen at Persons with Disabilities (PWD) sa National at Local Elections. 

Base sa House Bill 5661, layon nito na mas maging komportable ang mga senior citizens at PWD sa kanilang pagboto.

Nakasaad pa sa panukala na bibigyan sila ng opsyon para makaboto ng mas maaga ng pitong araw kaysa itinakdang araw ng halalan.

Kailangan naman magparehistro ng mga senior citizen at PWD kung nais nilang samantalahin ang early voting.

Inaatasan naman sa panukala ang Comelec na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs), National Council for Disability Affairs (NCDA), Commission on Human Rights (CHR), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa registration system.

Bukod dito, pinasisiguro din sa Comelec na ang mapipiling establisimyento ay dapat na accessible sa mga senior citizen at PWD.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with