^

Bansa

Trillanes, Aquino, Alejano may kinalaman sa Marawi siege - Aguirre

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Trillanes, Aquino, Alejano may kinalaman sa Marawi siege - Aguirre

Sinabi ni Aguirre ngayong Miyerkules na ang panggugulo ng Maute terror group sa sentro ng lalawigan ng Lanao del Sur ay parte ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte. AP file photo

MANILA, Philippines – Idinawit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sina Sens. Antonio Trillanes IV at Bam Aquino sa kaguluhan sa Marawi City.

Sinabi ni Aguirre ngayong Miyerkules na ang panggugulo ng Maute terror group sa sentro ng lalawigan ng Lanao del Sur ay parte ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Aniya nagpulong sina Trillanes at Aquino sa Marawi City tatlong linggo bago umatake ang local terrorist group sa lungsod.

Kasunod nito ay iniutos ni Aguirre na imbestigahan ang posibilidad na anggulo ng destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nauna nang nilinaw ng Department of Trade and Industry na ang pagbisita ni Aquino sa lungsod ay para sa pagbubukas ng Negosyo Center.

Dagdag nila na matagal nang sinusuportahan ng senador ang micro, small and medium enterprise (MSME) sector.

“The DTI would just like to state the fact that Sen. Bam Aquino, along with our other stakeholders in the military, the business sector and the local government, were in Marawi to attend the launch of ARMM’s first Negosyo Center in Marawi, the 508th Negosyo Center in the country,” paglilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez nitong Mayo 26.

“It is unfortunate that his visit is now the subject of false news and reports,” dagdag niya.

Idinawit din ni Aguirre sina Magdalo party-list Representative Gary Alejano at ex-presidential adviser Ronald Llamas.

Kamakailan lamang ay itinuro din ni Aquirre si Sen. Leila de Lima na may kasalanan sa trahedyang nangyari sa Resorts World Manila, kung saan 38 ang namatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with