^

Bansa

Simbahang Katolika tuloy ang laban kontra death penalty

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinamon ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pamahalaan at mga mambabatas na pairalin ang restorative justice sa halip na “vindicative justice” tulad ng muling pagsasabatas ng death penalty sa bansa.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, ito ang nararapat na isulong na alternatibo ng pamahalaan sa halip na patawan ng parusang kamatayan ang mga nagkasala sa lipunan.

 “Yung death penalty is not right at gusto namin bigyang diin yung posisyon ng restorative justice, yung dignity muna ang pro-life position tungkol dito sa issue ng death penalty.” ani Archbishop Ledesma .

Kaugnay nito, umaapela ng pakikiisa at suporta ang Arsobispo sa isinasagawang 21-araw na “Lakbay-Buhay” march-caravan laban sa death penalty sa pangunguna ng multi-sectoral groups, CBCP-NASSA/Philippines, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, CBCP-Episcopal Commission on the Laity, at Radio Veritas.

Una nang tiniyak ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na mas lalo pang isusulong ng kumisyon ang kampanya nito laban sa ‘death penalty’ sa kabila ng pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi umano maipapasa sa Senado ang panukalang batas dahil sa 13 mula sa 24 na mga Senador ang hindi sang-ayon dito.

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with