^

Bansa

Malinis na tubig para sa 1.5 libong pamilya sa Laguna

Pilipino Star Ngayon
Malinis na tubig para sa 1.5 libong pamilya sa Laguna
Nasa Larawan (mula kaliwa): Water.org Country Director Carlos Ani, WaterLinks Executive Director Mai Flor, WaterConnect Team Leader Bonifer Bautista, Laguna Water Sustainable Development Manager Eunice Christine Ricaforte, at MWPV South Luzon Regional Business Cluster Head at Laguna Water General Manager Melvin John Tan.

MANILA, Philippines - Sa pagtutulungan ng Manila Water Philippine Ventures, Water.org. at WaterLinks, tinatayang 1,500 na maralitang pamilya sa probinsya ng Laguna ang ikokonekta sa linya ng tubig ng Laguna Water upang makatanggap ng malinis at ligtas na tubig sa kanilang mga tahanan pagdating ng Setyembre ng taong ito.

Ang proyektong ito na tinawag na Water Connect at pasisimulan sa Laguna ay naglalayong suportahan ang mga pamilyang Pilipino na salat sa kakayanang makakuha ng malinis na tubig.

Ang proyekto ay pinapangunahan ng Manila Water Philippine Ventures, Water.org, at WaterLinks na mga eksperto sa industriya ng tubig. Ang Manila Water Philippine Ventures ay isang sangay ng Manila Water Company na tumutugon sa mga pangangailangan sa suplay ng tubig at tamang pamamahala sa gamit na tubig sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Samantala, ang Water.org ay isang internasyonal na organisasyon na nakapagbigay-daan sa pagtanggap ng ligtas at malinis na tubig ng mahigit limang milyong tao.

Ang WaterLinks ay tumutulong na pag-ugnayin ang iba’t ibang mga kumpanya at organisasyon upang mapabilis at mapa­lawak ang pagkakaroon ng serbisyong patubig at sanitasyon sa rehiyon ng Asia Pacific.

Aanyayahan din ang mga microfinance institutions upang magbigay ng dagdag na tulong sa mga pamilyang nais maging bahagi ng proyekto.

MANILA WATER PHILIPPINE VENTURES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with