Helper arestado sa rape
MANILA, Philippines - Arestado ang isang helper matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang 14-anyos na dalagita sa loob ng stock room ng kumpanyang pinagtatrabahuan ng una sa Navotas City kamakalawa.
Kinilala ni Navotas Fish Port Complex Maritime Police acting chief, Senior Supt. John Mitchell Jamili ang naarestong suspek na si Samuel Tumamac, 26, helper ng Amor Consignation.
Alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Maritime Police sa isang follow-up operation malapit sa kanyang tinitirhan sa 3rd Avenue, Caloocan City.
Positibong kinilala ng biktimang itinago sa pangalang “Katrina” na ayon pa rito ay dalawang beses siyang ginahasa ni Tumamac.
Pinagbantaan pa umano ang biktima na papatayin ito kapag nagsumbong.
Ngunit pinaalam ng biktima sa kanyang mga magulang ang sinapit nito sa kamay ng suspek na nagresulta nang pagkakadakip dito.
- Latest