^

Bansa

20 ‘ninja cops’, sinibak

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Ma­guin­danao , Philippines  - Aabot sa 20 pulis sa Northern Mindanao police regional office na isinasangkot sa drug trade ang sinibak sa serbisyo.

Ito ang kinumpirma ni Northern Mindanao police regional office director P/Chief Supt. Agripino Javier kung saan kabilang sa mga sinibak sa serbisyo ay mga opisyal na nasangkot sa droga sa rehiyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa kinasasangkutang kaso ng mga na-relieved na pulis.

Pansamantalang itinanggi muna ni Javier ang pagpapalabas sa pangalan ng mga pulis na sinibak upang hindi maantala ang isinasagawang imbestigasyon.

Nilinaw din ng NM-PRO na nagpapatuloy ang internal cleansing ng organisas­yon sang-ayon sa mandato ni PNP Director General Rolando “Bato” Dela Rosa.

AGRIPINO JAVIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with