^

Bansa

ERC officials pinagbibitiw ng Solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nananawagan si Ba­yan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa lahat ng commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magbitiw na ang mga ito dahil sa mga anomalya at isyu ng korupsyon na kinasasangkutan umano ng mga ito.

Ayon kay Zarate, ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na usapin ng ERC ay ang ‘midnight deal’ ng pitong power supply agreement  (PSA) ng Meralco at ng mga affiliated power generation companies.

“Dahil dito hinayaang maging monopolyo at matali sa Meralco ang mga konsyumers for the next 20-25 years nang walang bidding.  The extension effectively rendered the competitive selection process (CSP) useless,” ayon pa kay Zarate.

Pinaalala rin naman ng kongresista na si  ERC Chair Jose Vicente Salazar ay nahaharap din sa korupsyon matapos siyang idawit ng nagpakamatay na si ERC Dir. Jun Villa noong Nobyembre.

“As it is, they have failed to safeguard of the welfare of electricity consumers and power rate hikes are not being stopped by the ERC. While Congress is now investigating the anomalies in the ERC and bills to replace the onerous Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) the ERC should be manned by people with integrity and competence to protect consumers,” giit pa ni Zarate

CARLOS ISAGANI ZARATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with