^

Bansa

Mangangalaga sa ASEAN Summit...41,000 Security Forces, force multipliers handa na

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umaabot na sa kabuuang 41,000 kabilang ang 26,000 security for­ces ang naatasang ma­ngalaga para matiyak ang seguridad sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City sa Abril 26-29 ng taong ito.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief P/Director Oscar Albayalde, ang 26,000 na ide-deploy sa ASEAN Summit ay mga unipormadong personnels ng pulisya  at militar habang ang karagdagan pang 15,000 ay mula naman sa force multipliers ng 21 ahensya ng gobyerno.

Ngayong araw ay nakatakdang magtipon ang mga unipormadong personnels ng Philippine National Police at Armed Forces of the Phi­lippines, force multipliers at emergency response forces para sa send-off na gaganapin sa Quirino grandstand sa lungsod ng Maynila umpisa alas-7 ng umaga (Abril 23) ngayong araw.

Sinabi naman ni  PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na ito’y upang ipakita ang kahandaan ng security forces upang tiyakin ang kaligtasan ng mga delegado na dadalo sa ASEAN Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City mula Abril 26-29 ng taong ito.

Sa kabila rin ng wa­lang namo-monitor na banta ng terorismo, sinabi ng opisyal na nakaalerto ang mga awtoridad upang masupil sakaling may magtangkang manabotahe sa okasyon.

Kabilang sa mga puwersang magpapakitang gilas ay nasa 15,000 hanggang 17,000 personnel ng National Capital Region Police Office, force multipliers ng PNP mula sa Region 1, 3 at IV , tropa ng AFP na tutulong sa pagpapatupad ng seguridad sa Metro Manila gayundin ang iba pang security forces na sa kabuuan ay aabot sa 26,000 puwersa.

Nabatid pa sa opis­yal na dahil nagsisimula nang magdatingan ang mga delegado ay bantay sarado ang mga hotel kung saan ang mga ito naka-billet, gayundin eeskortan mula sa pagdating sa paliparan hanggang sa kanilang mga tutuluyang hotel.

“It’s all systems go”, pahayag ni dela Rosa kaugnay ng mga inilatag na contingency measures upang matiyak ang maayos at matiwasay na pagdaraos ng ASEAN Summit sa PICC.

Nabatid na kabilang din sa puwersa na ipakakalat ay ang mga traffic enforces ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) kung saan sa darating na Abril 28 ay magpapatupad ng lock down simula Makati City patungong PICC  at iba pang mga piling lugar na daraanan ng mga delegado.

Bahagi ng nasabing puwersa ay idi-deploy na ayon pa sa opisyal bago pa man ang ASEAN Summit at ang kabuuang puwersa ay sa pagsisimula ng pagtitipon.

Inaasahan din ang pagpapatupad ng no fly zone at no sail zone  gayundin ay ipagbabawal ang drone habang idinaraos ang makasaysa­yang okasyon na iniho-host ng bansa.

Kaugnay pa rin sa isasagawang Asean summit at para na rin mapawi ang kalituhan sa mga manggagawa kaugnay sa idineklarang suspensyon ng trabaho sa darating na April 27, 28, narito ang inilabas na Memorandum Circular no. 18 ng Palasyo ng Malacanang. Sa area ng PICC Complex sa Pasay City ay suspendido ang pasok ng gobyerno sa Abril 24-30, 2017 habang sa CCP Complex, Pasay City ay suspendido rin ang pasok ng gobyerno sa Abril 28-30, 2017.

Sa mga lungsod ng Pasay, Makati at Manila na siyang mas malapit at maapektuhan ng ASEAN Summit ay suspendido rin ang pasok ng gobyerno sa Abril 27, 2017.

Nilinaw naman ng EO na nasa pagpapasya na ng mga pribadong sektor at sa iba pang lugar kung sususpendihin nila ang pasok sa trabaho ng kanilang mga manggagawa o empleyado.

Sinabi pa sa EO na suspendido rin ang klase sa pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng level o antas  sa Metro Manila sa Abril 28, 2017 habang nasa pagpapasya ng mga paaralan kung isususpinde nila ang klase sa Pasay, Makati at Manila sa Abril 27, 2017.

ASEAN SUMMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with