^

Bansa

Mag-ingat sa rabies – DOH

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat sa rabies – DOH
Naglabas ng babala ang Department of Health sa publiko hinggil sa kagat ng aso, o rabies ngayong summer season.
File photo

MANILA, Philippines - Naglabas ng babala ang Department of Health sa publiko hinggil sa kagat ng aso, o rabies ngayong summer season.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, ngayong panahon ng bakasyon ay mas malaki ang tsansa na makagat ng aso ang mga bata dahil mas matagal ang nilalagi ng mga ito sa kanilang mga alagang aso.

Aniya, mas dapat na tiyaking may bakuna ang mga alagang aso para matiyak ang kaligtasan ng mga taong kasama nito sa bahay.

Paalala din ng kalihim na huwag ding hayaang ng mga magulang ang kanilang mga anak na sobrahan ang paglalaro sa mga alagang aso dahil posible itong masaktan at manakit o mangagat.

Tiyakin din aniya na laging may tubig ang mga alagang aso at lagi itong presko para hindi maging iritable dahil gaya aniya ng tao ay ramdam din nito ang init ng panahon.

Sa oras naman na makagat ng aso ay importanteng banlawan ng malinis ng tubig ang sugat at sabunin bago takpan at agad dumiretso sa mga animal bite centers para sa rabies shots.

Babala pa ni Ubial, huwag na huwag maglalagay ng kahit anong ointment sa kagat ng aso at sa halip ay dumiretso na lang sa pinakamalapit ng animal bite center.

PAULYN JEAN UBIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with