^

Bansa

Honorary degree na alok ng UP tinanggihan ni Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggihan kahapon ni Pangulong Duterte ang alok ng University of the Philippines na Doctor of Laws degree, honoris causa.

Ayon sa Pangulo, kahit noong mayor pa lamang siya ay hindi siya tumatanggap ng awards.

Personal at opisyal na polisiya umano ni Duterte ang hindi pagtanggap ng mga awards na nais ibigay sa kana.

“With due respect (to) University of the Philippines, I do not accept even when I was mayor. As a matter of personal and official policy, I do not accept awards,” pahayag ng Pangulo sa Tagbilaran, Bohol kung saan dumalo siya sa security briefing ng ASEAN.

“I simply declined. Kasi hindi ako tumatanggap ever since,” pahayag ng Pangulo.

Inalok ng UP Board of Regents (BOR), ang pinakamataas na policy making ng UP ang honorary doctor of laws degree  kay Duterte pero maraming mga estudyante, faculty at alumni ng UP ang kumontra sa desisyon dahil sa madugong kampanya ng Pangulo kontra droga.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Sen. Chiz Escudero na siya ang nagsulong na bigyan ng award ang Pangulo.

Pero ipinaliwanag ni Escudero na bahagi ng tradisyon ng UP na bigyan ng nasabing award ang Pangulo ng bansa, Chief Justice of the Philippines at maging presidente ng Senado.

vuukle comment

DOCTOR OF LAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with