^

Bansa

8 klinika isinabit ng DOH sa IS, ipinasara

Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinasara ng Department of Health ang walong medical clinic na kunektado umano sa hinihinalang Kuwaiting teroristang si Hussein Aldhafiri na isa umanong miyembro ng Islamic State at idineport ng mga awtoridad noong Biyernes.

Sinuspinde ni Health Secretary Paulynn Jean Ubial ang mga klinika habang iniimbestigahan ang umano’y monopolyo ng mga ito sa pagsasagawa ng pre-employment medical examination para sa mga migranteng  manggagawang patungo sa Kuwait.

Hiniling niya sa isang sulat kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na ipatigil agad ang pagpapadala ng mga migranteng manggagawa para sa pre-employment medical examination sa walong klinika.

Kabilang sa mga klinikang ito, ayon sa sulat ni Ubial, ang Abakkus Medical Diagnostic Services na nasa Palanan, Makati City habang ang pito pa na pawang nakabase sa Malate, Manila ay ang Agoncillo Medical Clinic, Ruben Bartolome Clinic, Global Medical Clinic, Orion Medical and Diagnostic Center, Our Health Medical and Diagnostic Center, Our Lady of All Nations Laboratory, at San Marcelino Medical Clinic.

Si Rep. Aniceto Bertiz ng  partylist group na Acts-OFW ang nagbigay sa mga reporter ng mga kopya ng sulat ni Ubial.

Pinaiimbestigahan din ni Bertiz ang iligal na koleksyon umano sa mga migranteng manggagawa ng Winston Q8 Certification Solution na ang may-ari umano ay si Aldhafiri.

IS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with