^

Bansa

‘Live-in na lang kayo, mga bakla!’- Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling binanggit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi siya pabor sa same sex marriage at kung gusto ng mga bakla ay mag live-in na lamang at huwag pakialaman ang batas.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa talumpati nito sa harap ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) sa Bahrain kamakalawa.

Bagaman at tinawag ng Pangulo na “ridiculous” ang same sex marriage, sinabi niya na wala naman itong problema sa kanya lalo pa’t mayroon siyang dalawang bayaw na gay at mayroon rin siyang pinsan na gay.

“Yang mga ridiculous… same sex marriage. T***-inang ‘yan. Wala namang problema. I have not --- dalawang bayaw ko gay. May pinsan ako na gay,” anang Pangulo.

Bagaman at hindi tiyak kung nagbibiro, sinabi ng Pangulo na maging siya ay nagduda rin sa kanyang sarili kung siya ay bakla.

“Ako nagduda nga ako sa sarili ko kung gay ba ako,” anang Pangulo.

 Ipinaliwanag pa niya na nasa batas na ang kasal ay para lamang sa pagitan ng babae at lalaki kaya hindi dapat ipilit ang pagpapa­kasal ng parehong kasarian

“Dapat may maipakitang bagay ang mga bakla na magpapahintulot dito. Sinabi ng batas, ng Civil Code says, a marriage, ‘yung family relations natin sa libro, in the statute, a marriage is between a woman and a man. Bakit ko pipilitin? Ngayon, kung magdalawang gay, o di mag-live together lang sila. Bakit mo pa pakialaman ‘yang batas?” dagdag ng Punong Ehekutibo.

 

 

RODRIGO “DIGONG “ DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with