^

Bansa

9 tiklo sa magkakahiwalay na buy-bust sa Metro Manila

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Huli ang dalawang babae at isang lalaki sa isinagawang  buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Juan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Supt. Romulo Sapitula, director ng Eastern Police District, ang mga suspek na sina Wilma Laurel, 58, Madonna Perello, 53 at Ruperto Laseta, 53, pawang taga #22 Tuberias St., Barangay Batis, San Juan City.

Ang operasyon laban sa tatlong ay isinagawa matapos na magpositibo ang isinagawang surveillance ng pulisya.

Pinangunahan ni Insp. Edwin Malabanan ang o­perasyon dakong alas-2:00 ng madaling araw kung saan nakuha sa mga ito ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga.

Nakapiit ngayon ang tatlong suspek sa San Juan City police station habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.  

Samantala, arestado naman ng QC Police ang siyam na drug suspect sa patuloy na kampanya ng pulisya kontra droga ngayong Semana Santa.

Sa report ni Dir. P/C Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, naaresto at nakapiit ngayon sa mga police stations ang mga hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bagbag, Brgy. Sta Monica at Brgy. San Agustin sa Novaliches, QC dakong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Una rito, ganap na alas 9:00 ng gabi, nagsagawa naman ng anti – narcotics operation ang mga operatiba ng Cubao Police sa Brgy. Valencia at Brgy.Martin De Porres sa Cubao.

Nakuha ng mga otoridad sa mga hinihinalang  tulak at users ang mga sachet ng shabu, mga pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernallia  at drug money.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng mga nasabing himpilan ng pulisya sa mga Barangay makaraang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutors Office.

ROMULO SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with