^

Bansa

US warship dumaong sa Subic

Joy Cantos, Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa pang warship ng Estados Unidos ang dumaong sa Subic Bay, Zambales para sa ilang araw na port call visit sa bansa.

Sa isang press statement ng US Embassy, ang Arleigh Burke-Class guided missile destroyer USS Stethem (DDG 63) ay dumating sa Subic Bay, kahapon.

Habang nasa Subic Bay ay magsasagawa rin ang mga US Navy crew ng ilang bahagyang pagkukumpuni sa nasabing warship sa tulong ng pribadong kumpanya ng Pilipinas.

Ang USS Stethem umano ay dineploy para sa mga operasyon ng US 7th Fleet bilang suporta sa seguridad at katatagan ng Indo-Asia-Pacific Region. 

“The United States and Philippines continue to build upon their 70-year history of partnership through defense cooperation, port visits, and military training activities,” anang press statement.

Bagaman nagkaroon ng kaunting lamat ang relasyon ng Pilipinas at US dahil sa mga patutsada ni Pangulong Duterte sa isyu ng drug war nito, iginiit ng Embahada na patuloy ang pagtutulungan at pagtatrabaho ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa mga lugar para sa kanilang parehong interes kabilang na ang pagbibigay ng humanitarian assistance at disaster relief, counter terrorism, cyber security at maritime security.

WARSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with