^

Bansa

AFP handa sa chemical attack

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa kabila ng limitado ang kakayahan, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gobyerno upang tumugon sakaling magkaroon ng ‘chemical attack’ sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng nangyaring chemical attack sa Khan Sheikhun, Syria na ikinasawi ng tinatayang 80 katao, 20 dito ay mga bata.

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, may mga kagamitan naman ang AFP na kung tawagin ay CBRNE (Chemical Biological, Radiological Nuclear Defense) para magamit sa mga ganitong uri ng banta.  Ang nasabing mga kagamitan ay idinonasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.

“It is the capability to react or respond to any or respond to any threats that may involve a chemical attack, a biological attack, a radiological attack or a nuclear attack,” pahayag ni Padilla.

“At present conditions, the government through some of its agencies are ready to meet it on a limited scale. These agencies include the Bureau of Fire (BFP), the Department of Health (DoH) and the AFP to name a few,” sabi ni Padilla.

Sinabi ni Padilla na sakaling mangyari ang chemical attack sa Pilipinas, ang unang dapat gawin ay i-isolate ang lugar kung saan nangyari ang pag-atake. 

RESTITUTO PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with