^

Bansa

“Truck Ban” sa EDSA planong alisin-MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagtanggal  ng “truck ban” sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila tulad ng EDSA.

Ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos, pinag-aaralan na nila ngayon na payagan nang makadaan ang mga delivery truck sa EDSA at ilan pang major roads mula ala-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw, dahil maluwag sa trapik ang naturang mga oras.

Ang hakbangin ng MMDA ay base sa derektiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We are still drafting the guidelines, in our observation, traffic is still heavy by 10 pm. We plan to call it ‘midnight run’ for trucks and shall end by 4 am,” ani Orbos.

Nais ding ikonsulta ito ng MMDA sa Department of Public Works and Highways (DPWH), dahil ang concern nila ay kung paano mapoprotektahan ang mga kalyeng  nasisira  nang dumadaang mga truck.

Nais rin nilang hingin ang tulong ng DPWH upang pag-aralan kung maaari bang dumaan ang mga truck sa lahat ng lanes o di kaya’y maglagay na lamang ng designated lane tulad ng pinatutupad sa C-5 Road.

Nabatid na sa ilang mga taon at hanggang sa kasalukuyan ay pinatutupad ng MMDA ang truck ban sa EDSA, mula sa Magallanes Interchange, Makati City hanggang  North Avenue, Quezon City.

TIM ORBOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with