^

Bansa

CCTV ikinalat sa Cavite

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Para mapigilan ang paglaganap ng mga krimen at katiwalian sa gobyerno at bilang pakikiisa na rin sa kampanya kontra illegal na droga, nilagyan ng closed circuit television (CCT) camera ang buong mga pangunahing lansangan at tanggapan ng pamahalaan sa Dasmariñas, Cavite.

Sinabi ni Dasmariñas Rep. Jenny Barzaga na malaking tulong ang teknolohiya para labanan ang krimen at katiwalian kaya naglagay sila ng mahigit 100 CCTV sa lungsod.

Giit ni Barzaga, 80 CCTV ang nakalagay sa bawat tanggapan, loob at labas ng city hall maliban lang sa mga palikuran habang 101 CCTV naman ang naka-install sa mga kalsada.

Namahagi din ang kong­resista at asawa nito na si Mayor Pidi Barzaga ng 1,500 handheld two-way radios sa mga pulis at barangay gayundin ang modernong patrol vehicle na Starex Vans na  equipped ng sari-sariling tracking device at CCTV na kayang i-zoom ng hanggang 150 metro at kayang mag-360 deg­ree turn.

Dahil na rin umano sa teknolohiya kaya live na mapapanood sa kanilang cable channel ang mga kuha mula sa CCTV ca­mera kaya bukod sa mga kriminal na agad mahuhili ay mabibisto din ang mga tamad na empleyado ng City Hall at mga barangay kapitan at mga kagawad.

JENNY BARZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with