10 sangkot sa ilegal na droga arestado
COTABATO CITY , Philippines --- Nadakip ng mga operatiba ng Parang Municipal Police Station ang sampung katao sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa magkaibang barangay sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon.
Sa panayam ng DXMS- Radyo BIDA Cotabato kay PCI Erwin Tabora, ang pinuno ng Parang PNP, unang nadakip ang isang mag-asawa nang isagawa nila ang paghahain ng search warrant na pirmado ni Judge Bansawan Ibrahim kaugnay sa violation ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 alas 5:00 kaninang umaga sa Barangay Sarmiento. (March 17, 2017).
Kinilala ni Tabora ang unang dinakip na sina Michael dela Pena Tactaquin at Renton Jay Amor alyas “Lablab” na nakuhanan ng ilang mga pakete ng shabu, drug paraphernalias, cash na abot sa P200 libo at dalawang mga baril na may kasamang mga bala.
Sumunod nilang nahuli ang isang Akmad Anso Baulo sa isa pang operasyon partikular sa highway Boulevard ng Brgy. Sarmiento at si Reymart Makmak Panlima na nakuhanan ng tig-tatlong pakete ng shabu.
Ibinunyag ng mga ito na ang kanilang source o pinagkukunan ng suplay ay mula umano sa Brgy. Simuay sa Sultan Kudarat Maguindanao at sa lungsod ng Cotabato.
Dagdag pa ni Tabora na kamakalawa ay nagsagawa rin sila ng operasyon sa tatlong mga barangay sa nasabing bayan na kinabibilangan ng Polloc, Making at Brgy. Landasan na ikinahuli naman ng anim katao na sangkot sa paggamit at pagtutulak ng droga.
- Latest