^

Bansa

Mining firm na walang nilabag pinaboran ng CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ibinasura ng Court Appeals ang kahilingan ng isang environmental protection order na mapigilan sa operasyon ang isang gold mine company sa Aroroy, Masbate nang mapatunayan na pawang walang katotohanan ang mga iprinisintang alegasyon laban dito.

Sa inilabas na desisyon nitong Marso 8, 2017 ng CA 4th Division, ibinasura ang plea for the kalikasan writ laban sa Filminera Resources Corp. na inihain ng Ang Aroroy Ay Alagaan, Inc. at apat na pribadong indibidwal.

Nilinaw ng CA na bigo ang mga petisyuner na mapatunayan sa mga ginanap na pagdinig at naiprisintang mga beidensiya at testigo, ang kanilang claim na ang pagmimina ng nasabing kumpanya sa nasabing erya ay nakakasama sa kalikasan at kabuhayan sa komunidad ng Aroroy at Baleno, sa Masbate.

 “Petitioners’ allegations in the Petition, therefore, absent any concrete proof, are bereft of any merit. Petitioners simply failed to substantiate their claims that any environmental damage is directly attributable to Filminera’s mining activities. Their uncorroborated claim of that fact, even under oath, is self-serving,” anang CA.

Bukod pa rito, nagawang maglatag ng nasabing kumpanya ng lahat ng dokumento at ebidensiyang komokontra sa akusasyon ng mga petisyuner particular sa sinasabing ang operasyon sa pagmimina ay nagdudulot ng polusyon sa tubig at kapaligiran, kalusugan at kabuhayan ng mga residente at ang kawalan ng permit.

Ayon sa CA, taliwas sa akusasyon nakapagpakita naman ang Filminera ng mga permit kabilang ang balidong Environmental Clearance Certificate (ECC).

Ginamit ng kumpanyang contradicting evidence ang data mula sa government agencies na nagpatibay na walang nalabag sa kalikasan ang Filminera.

COURT APPEALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with