Amyenda sa anti-hospital deposit bill lusot sa Kamara
MANILA, Philippines - Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na nagtataas na parusa sa mga ospital na maniningil ng deposito sa mga emergency cases.
Sa House Bill 5159 na inihain ni Akbayan Rep. Tom Villarin, pinaamyendahan nito ang batas na nagbabawal sa mga ospital na obligahin ang mga pasyente na magbayad muna ng deposito bago sila i-admit.
Ipinasasakop din ng panukala sa batas ang mga babaeng buntis na nagli-labor at nasa panganib na makunan.
Layunin din ng panukala na makapagligtas ng mas maraming buhay dahil ito ay hindi dapat nakasalalay sa kakayahan na magbayad ng deposito.
Sa sandaling maisabatas ang panukala, ang mga may ari, presidente at Chairman of the Board ng ospital ay maaring makulong hanggang anim na tao o multa ng hanggang isang milyong piso bukod pa ang danyos na maaaring habulin ng isang magrereklamong pasyente.
Kung aabot naman sa tatlong ulit ang paglabag ay maaring maalisan ng lisensya at tuluyang maipasara ang ospital.
- Latest