Angel Manalo at 31 iba pang tiwalag sa INC, arestado
MANILA, Philippines - Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Angel Manalo, ang itiniwalag na miyembro ng Iglesia ni Cristo at iba pang kalalakihan matapos ihain ang search warrant laban dito sa kasong indiscriminate firing kahapon ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat, si Manalo ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ng QC Reginal Trial Court dahil sa indiscriminate firing, sa kanilang tahanan sa Tandang Sora, dakong alas-9:30 ng umaga.
Diumano, isinilbi ang search warrant bunga ng insidente na nangyari noong February 27 ng pagpapaputok ng baril sa loob ng kanilang compound sa Tandang Sora.
Dahil dito, humingi umano ng search warrant ang QCPD sa korte na napagbigyan naman dahilan para isilbi kay Angel Manalo at ito ay maaresto.
Gayunman, habang nagaganap ang pag-aresto ay nagkaroon pa ayon sa QCPD ng indiscriminate firing kung saan dalawang awtoridad ang sugatan.
Nakarekober din ng pulisya ng mga armas na ngayon ay biniberipika pa ng QCPD kung lisensiyado.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon sa kaso.
- Latest