^

Bansa

DOJ hinamon sa Korean mafia issue

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinamon ng negosyanteng Koreano na si Kang Tae Sik si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tukuyin ang tao sa administrasyong Duterte na nagbigay ng impormasyon hinggil sa umano’y pagkakasangkot niya sa Korean Mafia.

Sinabi ni Kang, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Redentor Viaje, na kung ibubunyag ni Sec. Aguirre kung sino ang taong nagbibigay ng maling impormasyon hinggil sa pagkakasangkot niya sa Korean Mafia, ay tiyak na malalantad din ang illegal na aktibidad ng naturang sindikato.

Sa Senate hearing sa  Jee Ick Joo kidnap-slay case noong Pebrero 23, sinabi ni Aguirre na isang hindi pinangalanang opis­yal ng pamahalaan ang nagsabi sa kanya na isang Kang Tae Sik ang siyang pinuno ng Korean Mafia.

Mariing pinabulaanan ni Atty. Viaje na kabilang si Kang sa anumang sindikato at hinamon pa ang ka­lihim na patunayan ang kanyang pahayag, sa pamamagitan nang pagpapakita ng konkretong ebidensya. 

Ayon kay Atty Viaje, una na rin ginipit ang kanyang kliyente noong si Sen. Leila de Lima pa ang kalihim ng DOJ at dating BI Commissioner Siegred Mison.

Pero sumulat sa DOJ si Korean Ambassador Yuk Lee, Korean Church leaders’ head Fr. Pack Su Hyun; at Young Bak Lee, pinuno ng United Korean Community Association in the Philippines Inc., at sinabing matuwid na tao ang negosyante at walang katotohanan ang paratang sa kanya, kaya agad na pinalaya at hindi itinuloy ang deportation.

Sinibi ni Atty. Viaje, may nagbibigay na naman umano ngayon ng maling impormasyon laban sa kanyang kliyente.

“Clearly, the one feeding wrong information to Sec. Aguirre are the leaders of the Mafia, not my client,” pahayag pa ni Atty. Viaje.

KANG TAE SIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with