JPE kay De5: ‘Face the music’
MANILA, Philippines - Face the music!
Ito ang patutsada kahapon ni dating Senador Juan Ponce Enrile kay Sen. Leila de Lima matapos itong maaresto at ikulong sa PNP-Custodial Center kaugnay ng pakikipagsabwatan umano sa mga high profile drug lords sa illegal drug trade sa National Bilibid Prisons (NBP).
Sa panayam kay Enrile sa pagdalo nito sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People’s Power 1 sa Camp Aguinaldo, sinabi nito na sa halip na mag-ingay si de Lima ay mas makabubuting harapin na lamang nito sa husgado ang kasong kriminal.
“Wala nang reklamo, bayaan mo na lang na sa husgado litisin ang problema, kung wala kang kasalanan bakit ka matatakot, bakit ka mag-iingay,” pahayag ni Enrile.
Sinabi ni Enrile na hindi ‘political prisoner’ si de Lima dahil isa itong preso kaugnay ng kasong illegal drug trafficking na isang seryosong paglabag sa batas.
“Anong political prisoner, there is no such thing as political prisoner, You are a prisoner, sabi niya yun pero kami na binilanggo niya na walang kamuwang -muwang, eh ano kami. Sila Santo, Santa at kami ay demonyo, ano ba yan,” giit pa ni Enrile.
Si Enrile kasama sina dating senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay naipakulong ni de Lima sa PNP Custodial Center kaugnay ng kasong plunder sa umano’y iligal na paggamit ng mga ito ng kanilang pork barrel fund.
- Latest