^

Bansa

Speed limiter sa bus pinamamadali

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinamamadali ni Iloilo Rep. Jerry Trenas sa Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng speed limiter law upang makaiwas ang publiko sa malalagim na disgrasya.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang maging ganap na batas ang Republic Act 10916 o Road Speed Limiter Act na nag-oobligang lagyan ng device ang mga bus at truck na otomatikong pipigil sa bilis ng mga ito para pumalo na ang takbo sa 80 kilometers per hour.

Subalit ayon kay Trenas, hanggang ngayon ay ni hindi pa bumubuo ang DOTr ng Technical Working Group (TWG) para bumuo ng implemen­ting rules and regulations (IRR) ng batas na ito.

Naniniwala din ang kongresista na kung maipapatupad ng mahigpit ang Speed Limiter Act ay maiiwasang maulit ang malagim na aksidenteng sinapit ng mga estud­yante ng Bestlink College.

Ayon pa kay Trenas, bukod sa pagbabawas ng posibilidad ng mga aksidente sa kalsada dahil sa sobrang tulin sa pagpapatakbo ng mga sasakyan, ang RA 10916 ay makakatulong din para mabawasan ang carbon emission at fuel consumption dahil sa over acceleration.

Sa ilalim ng RA 10916, ang mga piling public-utility vehicles (PUV), maliban sa mga taxi, dyip at mga tinaguriang Transportation Network Vehicles (TNVs), closed commercial vans, cargo haulers, tanker trucks at company shuttles ay kinakailangan gumamit ng speed limiter device sa gayon ay hindi lumampas sa isang pre-set speed limit. 

Nakasaad sa panukala na papatawan ng P50,000 multa at isang buwang suspension ng lisensya at tuluyang pagbawi ng driver’s license ng driver at prangkisa ng operator.

Habang pagkakulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon at mul­tang P30,000 sa magta-tamper sa Speed Limiter Device.

JERRY TRENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with