^

Bansa

Maluwang na espasyo kailangan ng preso

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maluwag na espasyo at hindi aircon ang kailangan ng mga bilanggo.

Ito ang pahayag ni outgoing Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi maituturing na ‘special privilege’ ang paglalagay ng mga aircon sa piitan ng mga high profile inmate na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon pa Archbishop Arguelles, mas makabubuti kung palakihin ang espasyo ng mga bilangguan upang makapasok ang hangin at hindi sila makulob sa selda dahil na rin sa overcrowded.

Batay sa International Centre for Prison Sudies, ika-12 ang Pilipinas sa may pinaka marami ang nakabilanggo o katumbas ito ng 142,168 na naitala noong Hulyo 2016.

Iginiit rin ng arsobispo na dapat ay mabigyan rin ng sapat na suplay ng tubig ang mga bilangguan upang mapanatili ang kanilang kalinisan.

“Halimbawang naka-aircon ay mas malaki ang gastos nun dapat paluwangin, maging more comfortable. Lalo na at kulang ang panligo nila ng tubig para maligo sila. Dapat may hygiene, may enough space, mayroong water panlinis hindi aircon. Ang aircon masisira lamang sapagkat kung hindi sila naliligo ang baho ay mananatili sa loob,” ani Archbishop Arguelles.

Samantala, sinabi pa ni Archbishop Arguelles na para sa Simbahang Katolika ang bilangguan ay hindi larawan ng kaparusahan kundi ng pagbabagong buhay upang maibalik muli ang nagkasala sa lipunan at makapamuhay ng matiwasay.

RAMON ARGUELLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with