^

Bansa

BOC nirereklamo ng mga truckers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupo ng mga truckers sa admi­nistrasyong Duterte na baguhin ang plano ng Bureau of Customs na pagpapatupad ng accreditation sa mga bumabiyaheng truck sa bansa.

Ayon  kay Abraham Rebao, Vice  President ng Truckers Bureau ng Aduanas Business Club Inc. walang dahilan na muling dumaan sa accreditation ang kanilang industriya dahil over accre­dited na aniya sila.

Pangamba pa ni Rebao, maliban sa panibagong bayarin ng nasabing plano ay malaki din ang posibilidad na magamit ito para mabura sa industriya ang maliliit na negosyante at ma-monopolya ang trucking industry ng mga mayayamang negosyante.

Hindi katanggap-tanggap umano ang dahilan ng BOC na ang implementasyon ng accreditation ay para sa anti smuggling campaign.

Aniya walang kinalaman ang truckers sa smuggling dahil naghahatid lamang sila ng mga cargo at wala silang kinalaman sa mga kumpanya na umaangkat ng mga ito.

ABRAHAM REBAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with