^

Bansa

Digong sinabit sa bribery ng ex-BI comm.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong sinabit sa bribery ng ex-BI comm.
Humarap kahapon sa Senate Blue Ribbon committee hearing sina Atong Ang (kaliwa, gitna) at Wally Sombero (kanang larawan) kaugnay sa umano’y P50 milyong bribery scandal.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines - Nakaladkad kahapon ang pangalan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa P50 milyong bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI) matapos lumutang ang kopya ng palitan ng text messages sa pagitan nina dating associate commissio­ners Al Argosino at dating police general Wenceslao “Wally” Sombero.

Sa pagtatanong ni Sen. Antonio Trillanes IV, pinuna nito ang laman ng complaint-affidavit ni Sombero kung saan inilagay niya ang kopya ng text message ni Argosino na ipinagmamalaking may kakilala siyang tao na ma­lakas sa Presidente.

“Very good, proceed as planned. I’m arranging a meeting with a person with very good connection with President. I may bring him to you and Jack Lam for discussion. Confidential lang muna please,” nakalagay sa text message.

Bukod sa nasabing text message, ipinakita rin ni Trillanes ang kopya naman ng viber message mula rin kay Argosino para kay Sombero kung saan nakalagay na: “Copy. Please stand by. I’m arranging meeting with President’s eldest brother and his son in law. This is big time meeting once meeting will push through tonight. Prepare big time also.”

Humarap kahapon sa unang pagkatataon sa ika-apat na pagdinig ng Senate blue ribbon committee si Sombero matapos bumalik sa bansa mula sa Canada.

Si Sombero ang na­ging daan sa pagbibigay ng P50 milyon mula sa Chinese na si Jack Lam kina Argosino at dating BI associate commissioner Michael Robles upang mapalaya umano ang nasa 1,316 Chinese nationals sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark, Pampanga.

Nilinaw ni Sombero na hindi naman nanggamit ng ibang pangalan o nag ‘name-drop’ sina Argosino at Robles sa paghingi sa kanila ng pera.

Pero sa isang pa­nayam, tiniyak ni Trillanes na si Pangulong Duterte ang tinutukoy na “presidente” sa nasabing text messages.

Naniniwala rin si Trillanes sa pahayag ni Atong Ang, na humarap rin sa pagdinig bilang kinatawan ni Jack Lam, na labanan ng mga gustong pumasok sa gambling industry ang ginawang pag-raid sa Fontana ni Lam.

Ayon kay Trillanes, nabanggit ang pangalan ni Kim Wong na base sa kanyang impormasyon ay isang naging supporter ni Duterte na gusto umano nitong pasukin ang negos­yo ni Lam.

Hinala ni Trillanes, sinadya ang pag-raid sa Fontana sa pangunguna ng Department of Justice upang masira ang negosyo ni Lam.

AL ARGOSINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with