^

Bansa

Death penalty posibleng maipasa - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng maipasa ng Kamara ang panukalang ibalik ang parusang bitay o kamatayan ayon kay Deputy Speaker Ferdinand Hernandez.

Ito ay dahil aniya sa marami na sa dating mga kongresistang tutol sa death penalty ang bumaligtad at nagpahayag na ng suporta sa House Bill 4727. 

Dagdag pa ni Her­nandez, nagbago na ang posisyon ng mga kongresistang anti-death penalty  dahil sa nangyaring concensus sa nakaraang caucus ng supermajority na huwag ng gawing mandatory ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Samantala, nilinaw naman nito na tsismis lang ang naglalabasang impormasyon na may iringan sa loob ng supermajority dahil sa polisiya ni Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalan ng posisyon ang House leaders na tututol sa death penalty .

Para kay Hernandez, nararapat lamang ang polisiyang ito ni Alvarez dahil kailangan ng matibay na liderato para mailusot ang ganitong kakontrobersiyal na pa­nukala at mai-deliver ang naipangako ni Pa­ngulong Duterte sa publiko.

FERDINAND HERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with