Paggamit ng fake stamps itinanggi ng Mighty Corp.
MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ng isang local cigarette manufacturer na gumagamit sila ng pekeng stamps sa kanilang operasyon.
Sa inilabas na pahayag ni Oscar Barrientos, tagapagsalita ng Mighty Corporation (MC), na walang iregularidad sa kanilang operasyon.
Bilang patunay umano, ang kanilang kumpanya lang ang natatanging may CCTV na namomonitor ng revenue officers mula sa pagkuha ng raw materials hanggang sa manufacturing at withdrawals ng sigarilyo, bukod pa rito, mayroon din silang kampanya sa buong bansa laban sa paggamit ng pekeng sigarilyo gamit ang pekeng stamp.
Ginawa ng kumpanya ang paglilinaw matapos lumabas sa isang pahayagan na iniimbestigahan umano ng BIR ang isang homegrown cigarette manufacturer na Mighty Corp. dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa mga produkto nito.
Paliwanag ni Barrientos walang katotohanan ang nasabing report lalo pa at mismong ang kumpanya ay hindi nakakatanggap ng anumang reklamo o notice na imbestigahan ito at kung sakali man na magkaroon ng imbestigasyon ay bukas sila rito.
Sakali man mayroong mga ganitong hakbang ang BIR ay hindi dapat local manufacturers lamang ang silipin kundi maging ang mga multinational companies na nag-i-import ng mga raw materials nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Inamin naman ni Barrientos na palagiang may binabatong unfair publicity sa kumpanya dahil na rin sa na-dominate na nito ang low-priced category sa merkado na dati ay hawak ng mga kalabang kumpanya.
- Latest