^

Bansa

‘Solar City’ itatayo sa Maynila Bay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aabot sa .1 milyong trabaho ang maibibigay ng Solar City na itatayo sa may 148-ektaryang tourism commercial at residential district sa Manila Bay.

Sa ilalim ng proyekto, tatlong isla na pagtatayuan ng nabanggit na proyekto kung saan itatayo rin ang maraming business center, residential at commercial properties kabilang na ang international cruise ship terminal.

Kapag operational na ang Solar City ay ma­ngangailan ito ng .5 mil­yong trabahador kung saan mas dadaigin pa nito ang Ayala Center sa Makati City; Taguig City na may Bonifacio Global City; at ang Araneta Center, Eastwood, at iba pang business district sa Quezon City.

Ito ang  tiniyak ni Majority Floor Leader Councilor Casimiro Sison (6th District), kaugnay ng  reclamation project kung saan itatayo ang Solar City urban center at dalawa pang malalaking reclamation projects sa Manila Bay.

Ayon kay Sison, bil­yun-bilyong buwis ang kikitain mula sa proyekto kaya magiging mabilis ang pag-unlad ng Maynila na walang sariling makabagong commercial district kung saan tatawagin itong “Pearl of the Orient”.

SOLAR CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with