Kudeta vs Pimentel itinanggi
MANILA, Philippines - Walang balak ang mga senador na patalsikin sa puwesto si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.
Ito ang tiniyak kahapon ni Sen. Alan Peter Cayetano sa kabila nang naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV na may mga indikasyon umano na may mga nagbabalak palitan sa puwesto si Pimentel.
Ayon kay Cayetano, patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga senador at mismong ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pimentel at wala siyang balak na kunin ang liderato ng Senado.
“I am not attempting and I don’t have any plan to attempt to get the leadership. Senator Koko trusted by the Senators and by the President and even do get Senate president, right now, masyado na akong trabaho that called me outside the Senate eh,” pahayag ni Cayetano.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na patuloy niyang susuportahan si Pimentel at wala rin siyang alam sa anumang tangka na patalsikin ito sa puwesto.
- Latest