^

Bansa

Zipper Lane sa EDSA muling bubuhayin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling bubuhayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Zipper Lane” sa  Southbound lane ng EDSA upang maibsan ang trapik tuwing rush hours sa umaga patungong Makati City.

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) at  General Manager Tim Orbos, magkakaroon ng dry-run sa Enero 20 (Biyernes) mula Main Avenue, Cubao,  Quezon City  hanggang  EDSA-Ortigas Flyover at tatawid ng Guadix-MRT Ortigas station  mula alas-9:30 ng umaga hanggang  alas-11:30  ng tanghali.

“We have looked into this and we found out that the traffic in opposite direction (northbound) is not as heavy on those times,”  ani Orbos.

“Yun ang oras na nakikita namin na dumadami ang vehicles. Tambak talaga papuntang mga school, by 9:30 (a.m.) luluwag na ho yan. ‘Yung dun sa flyover ng Timog talagang mabigat ho yan hanggang Ortigas iyang lugar na yan tatlo palabas ng EDSA, sampu ang papasok ng EDSA”, dagdag pa ni Orbos.

Sa darating na Lunes, Enero 23 ay ipatutupad na ang Zipper Lane sa naturang lugar at layunin  nito ay bahagyang lumuwag ang trapik sa EDSA patungong Makati City.

Dahil sa Zipper Lane, isasara ang U-turn slot sa area sa Camp Crame-EDSA, Santolan. Lordeth B. Bonilla

 

ZIPPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with