2 kongresista nasa narco list ni Digong
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may dalawang kasalukuyang kongresista ang nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumanggi naman si Alvarez na pangalanan ang dalawang kongresista subalit ang isa umano sa kanila ay taga Mindanao.
Validated umano ang impormasyon sa mga ito at kahit siya ay nakakuha ng kumpirmasyon tungkol sa kanila mula mismo sa kanyang sariling mga kaibigan.
Sinabi ng Speaker na protektor ng drug syndicate ang papel ng dalawang congressmen na nasa narco list.
Bukod umano sa dalawang congressman na nasa narco list na binigay sa kanya ng Pangulo mayroon din mga gobernador, alkalde, judges at mga general.
Hindi pa naman masabi ni Alvarez kung ano ang kanyang gagawin sa dalawa at hindi rin naman ito maaaring basehan para patalsikin ang dalawa sa Kamara.
- Latest