^

Bansa

Disbarment vs Harry Roque isinampa sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap sa disbarment sa Korte Suprema si Atty. Harry Roque hinggil sa umano’y paninira at pagkakalat nito ng kasinungalingan laban sa kanyang kapwa abogado na si Kabayan Party-List Representative Ron Salo.

Sa complaint-affidavit ni Salo, dinitalye nito ang ilang mga paninira at alegasyon ni Roque laban sa kanya. Kasama rin sa reklamo sina Atty. Joel Butuyan na  umano’y naglabas ng artikulo sa isang pahayagan at si Atty. Rommel R. Bagares, Chief of Staff  ni Roque.

Ayon kay Salo, nagsi­mula siyang makatanggap ng paninira sa pagsisimula ng  kampanya ng May 2016 elections.

Wala umano siyang na­lalaman na dahilan para siraan siya ni  Roque samantalang isinama naman niya ito bilang isa sa mga nominees ng  Kaba­yan partylist.

 Giit pa ni Salo, mas­yado na rin  umano raging personal ang  paninira  ni Roque kung saan sinama nito  ang  isyu ng kanyang kasal na nagdulot  ng  emotional pain sa kanya  at sa kanyang misis.

“Obviously, these lies and malicious accusations were spread by Roque just to destroy my reputation and to discredit me from the members of Kabayan Partylist,” ani Salo.

Dagdag pa ni Salo na hindi niya sasagutin ang anumang malicious allegations  laban sa kanya at sa halip ay pinatatanggalan niya ito ng  lisensiya sa Korte Suprema.

“these false accusations, which were obviously made with malice, with the evident intent of destroying his honor and integrity, are in violation of the Code of Professional Responsibility. Lawyers are required by the Code to uphold the highest degree of professionalism and ethical responsibility towards their clients, the courts, the bar, and the public” dagga pa ni Salo. 

vuukle comment

DISBARMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with