^

Bansa

Ex-DSWD Sec. Cabral kasuhan sa P9-M PDAF scam - Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan ng two counts ng graft at isang count ng malversation at Malversation thru Falsification of Public Funds si dating DSWD Secretary Esperanza Cabral at iba pa kaugnay sa maano­malyang paggamit ng P9 milyong PDAF ni dating 2nd district North Cotabato Rep. Gregorio Ipong.

Kapwa akusado ni Cab­ral si Ipong na ngayo’y Vice Governor ng Cotabato gayundin sina DSWD Undersecretary Mateo Montaño, Chief Accountant Leonila Hayahay at Roberto Solon ng Economic and Social Coo­peration for Local Deve­lopment Foundation, Inc. (ECOSOC).

Ang kasong ito ni Ipong ay iba pa sa naunang graft at malversation case hinggil sa paggamit ng kanyang P10 milyong PDAF.

Sa kasong ito, napatunayan ng Ombudsman na maanomalya ang naging paggamit ng dating mam­babatas sa kanyang P9.4M PDAF na naipalabas sa pamamagitan ng isang Special Release Allotment Order noong January 2007.

Ang pondo ay laan sana sa mahihirap na mamamayan ng North Cotabato para sa  medical missions, health materials at pamamahagi ng mga gamot para sa 75 marginal families na magbebenepisyo sana ng P120,000 kada pamilya. 

Sinasabing inatasan ni Ipong ang DSWD na maging implementing agency sa pamamagitan ng ECOSOC, bilang NGO-partner pero  napatunayan na walang natanggap na benepisyo ng proyekto ang mga mamamayan  sa nabanggit na lugar.

Wala din umanong naisagawang bidding sa pagsasagawa ng proyekto.  

Itinanggi din ng medicine supplier na Ace Pharmaceuticals na sila ay may business transaction sa ECOSOC para magsuplay ng mga gamot.

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with