^

Bansa

‘Incident Command System’ para sa Traslacion binuo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na araw bago ang Traslacion ng Itim na Nazareno,  binuo ng pamahalaang lungsod ng Maynila at Manila Police District ang Incident Command System na magpapatupad ng seguridad  sa paggunita nito sa Lunes, Enero 9.

Sa pakikipagpulong ni  Manila Mayor Joseph Estrada kay Manila Police District (MPD) director Senior Supt. Joel Coronel, inanunsyo ng alkalde na nabuo na nila ang ICS na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng mga security measures sa naturang Black Nazarene procession.

“Natapos na natin ang lahat ng ating preparasyon at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya. Masasabi kong handa na tayo sa anumang klase ng emergency,” ani Estrada.

Aniya, mahigpit niyang tinagubilinan ang 4,995 miyembro ng MPD na itaas ang lebel ng seguridad sa lungsod lalo na’t kailan lang ay nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaaring maglunsad ng “diversionary attacks” and Maute terror group sa Kamaynilaan.

TRASLACION NG ITIM NA NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with