Oil price hike sa Bagong Taon
MANILA, Philippines – Magpapatupad ngayon (Martes) ang mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Inanunsiyo kahapon ng Pilipinas Shell, nagtaas ng P0.70 sentimos kada litro ang kanilang gasoline, P0.60 sentimos sa diesel habang P0.55 kada litro sa kerosene na epektibo ng alas-6:00 ng umaga.
Sumunod ring nag-abiso ng “oil price hike” ang kumpanya ng Flying V na kahalintulad din ang halaga, na epektibo naman kaninang alas-12:01 ngayong madaling araw (Martes).
Nabatid sa tagapagsalita ng Pilipinas Shell na si Ina Soriano, ang dagdag presyo sa kanilang produkto ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito ang unang pagpapatupad na dagdag presyo ng kanilang produkto ng mga kumpanya ng langis sa unang buwan nang pagpasok ng taong 2017, na para sa mga motorista ay isa itong malungkot na balita.
- Latest