Alamang at tahong sa 10 baybayin bawal kainin ngayong holiday season
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng alamang at shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa 10 baybayin sa bansa.
Ayon sa BFAR, ang mga lugar na sakop ng shellfish ban ay ang baybayin sa Irong Irong at Cambatutay bay sa Western Samar, Matarinao bay sa Eastern Samar, Calubian at Caragian bay Leyte, baybayin ng Naval, Biliran island province, Gigantes island sa Carles, Iloilo, baybayin ng Dauis at Tagbilaran City Bohol.
Paalala ng BFAR na ang mga mahuhuli namang isda, alimango, hipon at pusit ay kailangang linising mabuti at alisin ang bituka bago lutuin at kainin.
Ligtas naman sa red tide ang Manila bay kaya’t libreng kainin ngayong holiday ang talong, halaan at talaba sa mga baybayin ng Cavite, Bulacan, Navotas, Las Piñas, Parañaque at Bataan.
- Latest