^

Bansa

P8-B ipupuslit na imported asukal nasabat ng SBMA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P8-B ipupuslit na imported asukal nasabat ng SBMA

Naharang ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang tangkang pagpupuslit ng may 200,000 metro toneladang refined white sugar na nagkakahalaga ng P8 bilyon. File photo

MANILA, Philippines - Naharang ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang tangkang pagpupuslit ng may 200,000 metro toneladang refined white sugar na nagkakahalaga ng P8 bilyon.

Napigilan ni SBMA Chairman Martin Diño ang pagpasok ng mga smuggled na imported na asukal mula sa Thailand matapos niyang madiskubre na kahina-hinala ang shipment nito at walang kaukulang mga dokumento.

Dahil dito kaya inatasan ni Di?o si Trade Facilitation & Compliance Department officer-in-charge Robert Bana para bawiin ang certificate of eligibility and admission permit nito na nauna nang inisyu sa locator/importer Subic Bay Free Trade Center, Inc..

Kaagad din nitong pinaimbestigahan ang pagkakasangkot ng ilang opisyal at tauhan ng SBMA sa nasabing transaksyon kasabay ng babala sa kanila na sisibakin agad sa pwesto sa sandaling makilala ang mga sangkot dito.

“Let me emphasize that I have zero tolerance for any form of smuggling under my watch. Smuggling is pure and simple economic sabotage. The Duterte administration needs all the revenues it can raise to fund the government’s big ticket infrastructure projects and to deliver vital social services, especially education and health, to the disadvantaged sectors,”sinabi pa ni  Diño .

Binalewala naman nito ang dahilan ng importee na ang mga asukal ay para sa transshipment subalit taliwas naman ito sa cargo volume at sa kanilang storage capacity.

Puna pa ni Diño sa ilalim ng umiiral na halagang P2,000 per sack, ang shipment ay mayroong apat na milyon sako at madaling makuha ng P8 bilyon sa domestic market.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with