10K pasahero stranded sa bagyong Marce
MANILA, Philippines - Mahigit 10,000 pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa Visayas at Mindanao dulot ng malakas na ulan at alon sa karagatan na dala ng pananalasa ng bagyong Marce.
Sa report ng Regional Office of Civil Defense, nasa 1,401 rolling cargo, 161 barko at 58 mga bangka ang sinuspinde muna ang biyahe sanhi ng masamang lagay ng panahon sa Central Visayas, Northern Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas, Southern Luzon at Bicol Region.
Pinakamaraming stranded sa mga ports sa Central Visayas.
Napanatili ng bagyong Marce ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at may pagbugso na aabot sa 100 km bawat oras.
Signal No. 2 sa Romblon, Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Northern Oriental Mindoro, Iloilo, Capiz , Aklan at Northern Antique.
Samantala signal no.1 sa Northern Palawan, kabuuan ng Occidental Mindoro, kabuuan ng Oriental Mindoro, Masbate, Biliran, Leyte, Northern Cebu, Negros Occidental, kabuuan ng Antique at Guimaras.
- Latest