Subpoena vs De Lima ilalabas na!
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice na haharap na sa pagdinig si Senador Leila De Lima hinggil sa isyu ng kalakalan ng bawal na gamot sa New Bilibid Prison.
Ang paniniyak ay ginawa ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre kasabay ng pahayag na mailalabas ang subpoena laban kay De Lima sa linggong ito.
Bunsod nito, maoobliga na ang senadora na humarap sa five-man panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa isyu ng illegal drug trade sa NBP.
Haharapin ng senadora ang apat na reklamong inihain ng ilang complainant, kabilang na ang sa Volunteers Against Crime and Corrupton at ang kampo ng bilanggong si Jaybee Sebastian.
Magugunitang lumutang nitong nakaraang linggo sa imbestigasyon ng Kamara na sinadya raw ang tangkang pagpatay kay Sebastian upang mapigilan itong magbigay ng testimonya laban kay De Lima.
Pero hati dito ang paniniwala ng mga mambabatas, lalo’t hindi naman napangalanan ang pinanggalingan ng utos at kung ano ang kaugnayan nito sa lady senator.
- Latest