^

Bansa

ConAss pinaboran

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor ang ilang orga­nisasyon sa Charter Change (Cha-cha) sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (ConAss) na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Sa ikatlong pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni Margarito Teves ng Foundation for Economic Freedoms na partikular nilang tinututukan ang pag-aaral sa pagbabago ng economic provisions.

Paliwanag ni Teves, kung maaalis ang mga limitasyon sa economic provisions ay hahatak ang bansa ng mas maraming foreign direct investments at mangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Para naman kay Restituto Cruz, managing director ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pabor din sila sa ganitong amyenda subalit hangad nilang mapanatili ang control ng mga Pilipino sa agriculture sector.

Habang pareho namang pabor sina Teves at Cruz sa Con­Ass bilang paraan ng Chacha.

Dahil para kay Teves, sa ConAss ay mas mapapabilis ang diskusyon sa Chacha sa kabila ng limitadong panahon at resources ng gobyerno.

Para naman kay Cruz, cost at efficiency ang dahilan ng kanilang suporta sa ConAss lalo pa at ibinoto ng publiko ang mga mambabatas na bubuo nito.

Subalit iginiit ni Cruz, dapat ituloy ang pagbuo ng Constitutional commission na tutulong sa ConAss sa paglatag ng amyenda sa Saligang batas.

CONSTITUTIONAL ASSEMBLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with