Bar examinees pinagsusuot ng itim
MANILA, Philippines – Hinikayat ng human rights lawyers ang mga Bar examinees na magsuot ng itim na damit upang ipakita ang kanilang pagkondena sa naging desisyon ng Korte Suprema na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani.
Sa advisory mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), hinikayat nito ang mga law graduates na magsuot ng itim na t-shirt sa Linggo, ang ikalawang araw ng Bar exams na ginaganap sa University of Santo Tomas.
Ayon sa NUPL, ang black shirt protest ay senyales ng pagluluksa dahil sa kawalan ng hustisya.
Umaabot sa 6,831 law graduates ang inaprubahan ng SC na kumuha ng 2016 Bar exams. Nagsimula ang exams noong Nobyembre 6-27.
- Latest