^

Bansa

Senado naalarma sa Espinosa killing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong si Senator Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice na nag-imbestiga sa mga nangyayaring extrajudicial killings (EJKs) sa bansa ang nagpahayag kahapon ng pagkabahala sa nangyari kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. na namatay habang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Inihalimbawa ni Gordon sa isang patalim na itinarak sa puso ng criminal justice ng bansa ang pagkamatay ni Espinosa dahil lumalabas na hindi na ligtas ang nasa pa­ngangalaga ng batas.

“This is a dagger in the heart of the criminal justice system as it appears that even those who are in the custody of the law are no longer safe,” ani Gordon.

Naniniwala naman si Senator Antonio Trillanes IV na sinadya ang pagkamatay ni Espinosa upang hindi na ito makapagsalita.

“Regardless of the script the local police would use, at the end of the day, dead men tell no tales,” ani Trillanes.

Idinagdag ni Trillanes na sa ngayon ay hindi na malalaman ang mga ka­sabwat ng mayor at kung saan nanggagaling ang suplay nito at kung sino-sino ang mga kliyente.

Idinagdag ng senador na nasa liderato na ng Philippine National Police (PNP) para ipakita sa mga mamamayan na hindi pa mawawala ang kanilang professionalism at disiplina sa pamamagitan nang pagsasagawa ng masusi at impartial na imbestigasyon.

Samantala, nagpahayag rin ng pag-aalala si Gordon na hindi na mahihikayat ng pulisya na sumuko sa batas ang mga suspek dahil sa nangyayaring pagkamatay habang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

“How can we encourage suspects to surrender under the law in this situation? It’s a slap on the face of the rule of law and it signals a more desperate system – a ‘take no prisoners’ approach. This creates an atmosphere of intimidation and fear and puts everybody in danger,” dagdag ni Gordon.

SENATOR RICHARD GORDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with