^

Bansa

Driver dinukot sa resort sa Laguna, nakatakas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines -- Sugatan at nakaposas pa ang mga kamay sa likuran nang humingi ng tulong sa Tagaytay Police ang isang 29-anyos na driver na diumano’y dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa isang resort sa Laguna subalit nagawang makatakas kamakalawa .

Ang biktima ay si Julius Tagapia, binata, ng No. 30 Cougar Village East, Cainta Rizal.

Sa salaysay ni Tagapia, alas-9:00 ng gabi nang magcheck-in siya kasama ang employer na si Johnny Molina at may kasama pa silang dalawang babae sa Ma-jesty Resort, Pansol, Calamba City. Habang papasok sila sa resort ay nilapitan siya ng apat na suspek at tinutukan ng baril bago kinaladkad sa isang sasakyan at saka tinangay. Habang nasa loob sasakyan, pinosas umano siya ng mga suspek at dinala sa isang lugar sa Bata-ngas. Pababa na umano sila ng sasakyan nang makakuha siya ng tiyempo at nagtatakbo ito papasok sa tubuhan. Walang lingon at tuluy-tuloy umano ang kanyang pagtakbo dahilan upang magkasugat-su-gat ang mukha at buong katawan niya hanggang sa makarating sa isang lugar na sakop na ng Tagaytay city.

Mabilis na humingi ng tulong ang biktima sa nakitang police patrol at sinabing kinidnap siya.

Nakikipag-coordinate na ang Tagaytay Police sa Laguna Police kung saan nangyari ang pagdukot para sa follow-up operation at imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

DUKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with