^

Bansa

Road widening sa NLEX, pinamamadali

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA , Philippines – Hangad ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) na madaanan nang motorista ang road widening ng North Luzon Expressway (NLEX) mula sa bayan ng Sta. Rita, Guiguinto sa Bulacan hanggang San Fer­nando City sa Pampanga pagsapit sa Disyembre 2016.

Napag-alamang sini­mulan ang proyekto noong Marso 2015 na may P 2.2 bilyong pondo.

Ayon sa pamunuan ng MNTC, mula nang maging moderno ang NLEX noong 2005 ay humigit pa sa 50 pors­yento ang itinaas ng daloy ng trapiko.

Nadadagdagan pa ng 25 porsyento ang dami ng mga sasakyan tuwing sasapit ang Semana Santa, Undas at Kapaskuhan.

Kaugnay nito, may hiwalay na P235 milyon ang ginugugol sa inilalatag na bagong dalawang linya pa para sa bahagi ng NLEX mula Dau hanggang Sta. Ines sa Mabalacat City.

Layunin nitong ga­wing ligtas ang pagbibiyahe sa bahaging ito ng expressway na ayon sa Tollways Management Corporation ay nagtala ng pinakamaraming bilang ng naaksidente kahit apat na kilometro lamang ang haba.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng MNTC ang ilalaang pondo sa pagpapalawak ng tulay sa bayan ng Bocaue Interchange na nakararanas ng palagiang pagsisikip sa daloy ng trapiko.

MNTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with