^

Bansa

2 bagong Zika cases nasa Cavite

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa lalawigan ng Ca­vite nakita ang dalawang kaso ng Zika virus.

Sa isinagawang National Summit on Zika Virus, sa Pasay City, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na ang mga may bagong kaso ay kinabibilangan ng isang batang lalaki at isang babae, na nasa edad 40.

Sanhi nito umakyat na ?sa 19 ang bilang ng mga taong tinamaan ng naturang sakit sa bansa.

Nilinaw naman ni Dr. Eric Tayag, spokesperson ng DOH na isasailalim pa nila ang mga pasyente sa masusing pagsusuri at obserbasyon.

Hindi na rin dinala ang mga pasyente sa pagamutan dahil mild lamang ang virus na tumama sa mga ito.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang DOH ng 19 Zika cases sa bansa, na kinabibilangan ng 12 kaso mula sa Western Visayas, tatlo sa National Capital Region (NCR), tatlo sa Calabarzon (Region 4A), at isa mula sa Central Visayas.

ZIKA VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with