^

Bansa

Plunder kay de Lima!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Plunder kay de Lima!
Kinuwestyon din sa report ng minorya kung bakit walang naging aksyon ang Malakanyang noon para sitahin si Senador Leila de Lima sa madalas na concert sa loob ng Bilibid bagamat hindi umano nila intensyon na sabihing kumita dito ang mga taga palasyo noong administrasyong Aquino.
Philstar.com/AJ Bolando

Inilatag na ng House Minority 

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng House Minority bloc na sampahan na ng kasong plunder si dating Justice Secretary at ngayon ay Senador Leila de Lima.

Ito ang isa sa pinakamabigat na nilalaman ng isinapublikong minority report kaugnay ng isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Justice sa kalakalan ng droga sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Quezon Rep. at Minority leader Danilo Suarez, bukod sa plunder pinakakasuhan din nila si De Lima ng bribery at paglabag sa Dangerous Drugs Law dahil umano sa pagiging protektor at coddler ng mga drug lords na sangkot sa trafficking ng illegal na droga.

Iginiit ni Suarez, na ang kanilang minority report ang magbibigay ng closure sa im­bestigasyon sa NBP drug trade.

Bukod dito, kinokondena din nila sa report ang kabiguan ng Justice Committee na isulong ang prosekusyon ng dating Kalihim sa kabila ng marathon hearing at pagtestigo ng may 22 saksi.

Naniniwala din ang minor­ya na dapat kasuhan ang Senadora ng plunder dahil sa dami umano ng drug money at suhol na natanggap nito sa mga drug lords.

Sa madalas din umano na pa-concert pa lamang ni Herbert Colanggo ay mayroon na agad si De Lima na isang milyon kada concert.

Kinuwestyon din sa report ng minorya kung bakit walang naging aksyon ang Malakanyang noon para sitahin si De Lima sa madalas na concert sa loob ng Bilibid bagamat hindi umano nila intensyon na sabihing kumita dito ang mga taga palasyo noong administrasyong Aquino.

PLUNDER CASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with